SPAMAST, Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika sa Pagsisimula ng Bagong Semestre

Masiglang sinalubong ng Southern Philippines Agri-Business and Marine and Aquatic School of Technology (SPAMAST) ang pagsisimula ng panibagong semester sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong ika-19 ng Agosto 2024. Ang nasabing selebrasyon na may temang “Filipino, Wikang Mapagpalaya” ay ginanap sa SPAMAST Auditorium sa Malita, Davao Occidental.

Bilang panimula, isang Banal na Misa ang idinaos na pinangunahan ni Fr. Juvy Adivino, MJ. Sinundan ito ng buwanang kumbokasyon na inorganisa ng Institute of Teacher Education and Information Technology, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng Buwan ng Wika.

Si Bnb. Jona Jean Delos Santos, guro sa Filipino sa SPAMAST, ang naging pangunahing tagapagsalita. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang pagpapahalaga sa Filipino bilang wikang pambansa at ang papel nito sa pagpapalaya ng kaisipan at pagpapalakas ng identidad ng bawat Pilipino.

Nagbigay rin ng mensahe si Dr. Lynette A. Bontia, pangulo ng SPAMAST, na nagpahayag ng kanyang pag-asa sa isang matagumpay na semestre para sa mga estudyante at guro ng pamantasan. Ang nasabing kumbokasyon ay hindi lamang isang pagdiriwang ng wika, kundi isa ring simbolikong simula ng bagong yugto sa akademikong taon ng SPAMAST.

Sa kabuuan, ang pagdiriwang ay naging matagumpay at nagbigay ng inspirasyon sa komunidad ng SPAMAST upang ipagpatuloy ang masigasig na pag-aaral at pagtangkilik sa sariling wika.

#spamast_rise

#spamast_updates

LATEST NEWS

Announcement

links

transparency seal

achiever

Previous slide
Next slide

JOB OPPORTUNITIES

academic calendar