Konbokasyon at Pagbubukas ng Buwan ng Wika 2025 sa SPAMAST

Sa makulay na selebrasyon ng wikang pambansa, matagumpay na idinaos ng Southern Philippines Agri-Business and Marine and Aquatic School of Technology (SPAMAST) ang Konbokasyon at Pambungad na Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na ginanap sa Founder’s Hall, SPAMAST Malita Campus, Agosto 26,2025.

Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng mga guro, kawani, at mag-aaral ng kolehiyo upang sama-samang bigyang-halaga ang kahalagahan ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagtataguyod ng pambansang pagkakaisa.

Bilang panauhing pandangal, ipinahayag ni Gng. Arlene C. Mariano ang kanyang taos-pusong mensahe hinggil sa makabuluhang papel ng wika sa pagtataguyod ng kultura at identidad ng mga Pilipino, at sa mismong kultura mayroon ang Davao Occidental . Binigyang-diin niya na ang tema ng selebrasyon ngayong taon na “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa” ay isang paalala na ang ating wika ay hindi lamang kasangkapan sa komunikasyon, kundi tagapag-ugnay at tagapagbuklod ng sambayanan.

Ang selebrasyon ng Buwan ng Wika 2025 sa SPAMAST ay magsisilbing patunay sa patuloy na paninindigan ng institusyon na itaguyod ang pagmamahal sa wika at kulturang Pilipino para sa susunod na henerasyon.

SPAMAST-Institute of Teacher Education

Institute of Agricultural Sciences and Development Communication – IASDC

SPAMAST-Institute of Human Service

SPAMAST-Institute of Business Management and Governance

SPAMAST-Institute of Fisheries and Marine Sciences

Institute of Arts and Sciences – SPAMAST

#BuwanNgWikangPambansa2025

LATEST NEWS